Ang mga nagawa sa Buong weekend
Lubos ng kasiyahan ang buwan ng Agosto, maraming mga araw na walang pasok lalong-lalo na noong ikalawang linggo ng buwan ng Agosto at saka noong ikatlong linggo, na isang linggong walang pasok mula Miyerkules ng Agosto 15 hanggang sa ika-21 ng Agosto. Bagamat sa isang linggo na walang klase ay tambak ng mga kaliwa't kanan na mga proyekto ang nakatambad sa amin sa buong linggo. Napakagaan ng araw ko ngayong buwan ng Agosto, lalung-lalo na noong School Fiesta dahil sa magagarbo at masiyahin Fiesta sa buong buhay ko sa Ateneo. Naroon kami sa parade at sa kasamaang palad ay nasira ang arko na nagawa ng psychology, pawis na pawis kami sa pag-alalay ng arko na naghihingalo na sa parada galing San Pedro hanggang Jacinto. Nasakisihan ko mga iskul-mate ko sa SS na nanalo sa Palarong Pinoy at sa Hienna Tatoo competition.
Ang parade ng Ateneo ay napakabongga kahit kailan pero ngayon ibang kuwento nanaman ito. Si Father Taborra ay napakaligaya niya sa litrato noong nakisama siya sa parade.Pagkatapos ay nagkaroon ng presentasyon sa open field, ngunit hindi kami nakatingin dahil sa dami ng tao at nagpahinga nalang kami sa canteen at kumain ng tanghalian. Nagdadalawang isip pa kami kung papanoorin pa namin ang presentasyon, pero pumnta kami noon sa internet cafe at saka lumugaya. Sa kasamaang palad ay kompyuter ko ay di gumagana umali nalang ako at umuwi, at bumalik sa internet cafe. Doon kami lumigaya sa paglalaro ng DotA. Hindi sa nagmamayabang sapagkat hindi naman talaga ako masyado marunong at parang pampalipas oras ko lamang ito. pagkatapos noon ay wala na masyado ako nagawa ato umuwi na ako sa bahay. Sa bahay ay lagi ako nakatulala ato laging kumukutkut ng makain, nakakainip naman ito sapagkat ginagawa ko pa rin ito. Noong kinabukasan ay umulan, napakulimlim ng kalangitan noong hapon, bago noon noong umaga ay nakapagehersiyo ako dahil ginagawa ko ito kada umaga at parang hindi ako mapapalagay kapag hindi ko ito magawa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento